Connect with us

Aklan News

2 ARESTADO SA ILEGAL NA SABONG

Published

on

Nabas – Dalawa ang arestado bandang alas 3:50 nitong hapon dahil sa ilegal na sabong sa Sitio Laguna, Union, Nabas.

Sa joint operation ng Nabas PNP at Aklan PPO Anti-Illegal Gambling Task Force, naaresto at nakilala ang mga suspek na sina Vic Delos Santos, 28 anyos, at Arman Semillano, 33 anyos, pawang residente ng nasabing lugar.

Base sa report ng Nabas PNP, kaagad nilang ikinasa ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa ilegal na pagsasabong doon sa lugar.

Bagama’t nakatakas umano ang iba, naaresto naman sina Delos Santos at Semillano, at narekober ang kabuuang P490.00, 5 manok-panabong (3 ang buhay, 2 ang patay na may tari).

Pansamantala silang ikinustodiya sa Nabas PNP habang inihahanda ang kasong paglabag sa PD 449 o Illegal Cockfighting, (as ammended by PD 1602) na isasampa laban sa kanila.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *