Connect with us

Aklan News

15 ANYOS, PATAY MATAPOS UMANONG SUMALI SA BOXING

Published

on

Binawian ng buhay ang isang 15-anyos na binatilyo dahil sa namuong dugo sa ulo nito matapos magboksing sa Solido, Nabas.

Ayon sa kanyang ina na si Delicia Bautista, sumali ang kanyang anak na si Niko Macahilig, 15-anyos sa paboksing sa kanilang lugar nitong nakaraang Biyernes.

Pag-uwi sa bahay, nagreklamo ito na masakit ang kanyang ulo at nagsusuka.

Hindi muna ito dinala sa ospital at inobserbahan hanggang sa hindi na nito nakayanan ang matinding sakit sa ulo noong Linggo kaya’t dinala na sa Aklan Provincial Hospital.

Agad itong dinala sa ICU at isinailalim sa CT-scan kung saan nakita ang namuong dugo sa ulo ng binatilyo.

Inirekomenda ng mga doktor na dalhin ito sa Iloilo pero binawian na ito ng buhay kahapon dakong alas-4:45 ng hapon.

Pinaiimbestigahan na sa Nabas PNP ang di umano’y nagaganap na nauusong paboksing sa lugar.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *