Connect with us

Aklan News

LALAKI, BINARIL-PATAY: SUSPEK, MARIING ITINANGGI ANG KRIMEN

Published

on

Navitas – Binaril-patay ang isang lalaki matapos barilin sa loob mismo ng bahay kaninang pasado alas 2 ng madaling araw sa Brgy. Navitas, Numancia.

Nakilala ang biktimang si Rowen Palomar, sa legal na edad samantala naaresto naman ang suspek na si Teddy Rivera, sa legal na edad, retired army at drug surrenderee na parehong taga Brgy. Navitas.

Base sa inisyal na na imbestigasyon ng Numancia PNP, pinasok ng suspek ang bahay ng biktima na dumaan sa kusina at binaril ang biktima na diumano’y natutulog sa sala. Nagising umano ang asawa ng biktima at nakita niya ang suspek rason na nakilala niya ito.

Ayon sa kapulisan tama sa ulo ang natamo ng biktima at nakita ang slug ng kalibre .45 na baril ginamit sa pamamaslang.

Wala pang matukoy na motibo ang mga otoridad sa dahilan ng krimen.

Samantala, sa eksklusibong panayam ng Radyo Todo sa suspek na si Rivera, mariin nitong itinanggi na siya ang bumaril-patay sa biktima.

Wala umano siyang galit sa biktima para gawin ang krimen maliban lamang umano ng ipatawag niya sa brgy si Palomar para sana liwanagin ang mga “tsismis” na umano’y iniuugnay sa kanilang dalawa. Wala din umano silang pinag-awayan ng biktima dahil dati rin silang magkaibigan.

Nakatakdang isailalim sa paraphine test ang suspek ngayong umaga.

Kasong murder naman ang inihahandang kaso ng Numancia PNP laban kay Rivera.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *