Connect with us

Aklan News

TURISTA SA BORACAY, PAKAUNTI NA ANG PAGDATING

Published

on

Malay, Aklan- Kabaliktaran sa inaasahan, pababa ng pababa ang numero ng mga turistang nagtutungo sa Boracay mula ng magbukas ito sa turista noong nakaraang October 1.

Sa talaan ng Malay Municipl Tourism office, 2 lang ang taga National Capital Region ang nagtungo sa Boracay kahapon, Octobre 5. Samantala 3 ang galing sa Iloilo City, at 2 mula sa Antique.

October 1: 5 ang galing sa NCR, 19 sa Iloilo City at isa mula sa Roxas City.

October 2: 8 mula sa NCR at walang mula sa katabing lalawigan sa Panay island.

October 3: tumaas sa 27 ang mula sa NCR dahil sa mga kasamahan ni Presidential Spokesman Atty. Harry Roque at weekend. May 4 naman na nagmula sa Iloilo City.

October 4: Bumaba na ito kung saan 15 na lang ang mula sa NCR, 2 mula sa Iloilo City at isa mula sa Roxas city.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *