Aklan News
Dump truck, inararo ang isang vulcanizing shop at motor

Published
4 months agoon

NAGTAMO ng mga minor injuries ang isang drayber ng drump truck makaraang araruhin nito ang isang vulcanizing shop sa may Roxas Avenue, Kalibo.
Kinilala ang drayber ng nasabing truck na si Bernard Nalica Narral, 33 anyos ng Bakhaw Sur, Kalibo, Aklan at ang kanyang pahinante na si Ricky Jaime Dalica, 22 anyos ng Alaminos, Madalag.
Nangyari ang insidente dakong alas-2:40 nitong hapon habang binabaybay ng truck ang Roxas Ave. papuntang Mabini St., Kalibo.
Nawalan di umano ng preno ang nasabing sasakyan dahilan na bumangga ito sa vulcanizing shop na pagmamay-ari ni Alexander Zata.
Nadamay rin ang motor na Honda ni Kim Marco Menez na nasa loob lang ng shop nang araruhin ng truck.
You may like
-
P221 MILYONG PONDO PARA SA COVID-19 RELATED PPA’s, INAPRUBAHAN NG SP AKLAN
-
SILAT PRINCESS TURNED BEAUTY QUEEN: CHERRY MAY REGALADO, KINORONAHAN BILANG MISS KALIBO ATI-ATIHAN 2021
-
42 ANYOS BINARIL NG AMA, PATAY
-
2 SUGATAN MATAPOS MAAKSIDENTE SA MOTORSIKLO NG NAKIPAGHABULAN SA MGA PULIS
-
‘Wag mag inarte kung may bakuna – SB member Augusto Tolentino
-
P50 MILYON PONDO PARA SA PAGBILI NG COVID-19 VACCINE, APRUBADO NA NG SB KALIBO