Connect with us

Aklan News

LALAKING WANTED SA KASONG RECKLESS IMPRUDENCE, ARESTADO

Published

on

Banga – Arestado bandang alas 8:30 kagabi sa Linabuan Sur, Banga ang isang lalaking wanted sa kasong Reckless Imprudence Reuslting in Homicide and Slight Physical Injury.

Nakilala ang akusadong si Jason Dela Cruz, 24 anyos ng nasabing lugar.

Isinilbi kagabi ng Banga PNP sa akusado ang Warrant of Arrest na may criminal case no. 2085-A na ibinaba ni Hon. Alicia A. Cruz-Barrios, Presiding Judge, Municipal Trial Court, 6th Judicial Region, Kalibo, Aklan nito lamang nakaraang September 24, 2020.

Kasalukuyan siyang nasa kustodiya ng Banga PNP Station para sa karampatang disposisyon, subalit pansamantalang makakalaya kapag makapagpiyansa siya ng P60,000.00.

Ayon sa akusado, nangyari ang aksidente noong January 18, 2020 sa Estancia, Kalibo noong aksidente umano niyang mabangga ang sinusundang motorsiklo kung saan binawian ng buhay ang isa sa dalawang biktima habang sugatan naman ang isa.

Maliban dito, aminado rin ang akusado na nasa impluwensiya siya ng alak nang mangyari ang insidente, maliban sa kumpleto din umano sa papeles ang driver ng motorsiklo na kanyang nabangga.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *