Connect with us

Aklan News

TRAYSIKEL, NAHULOG SA KANAL MATAPOS MAKATULOG ANG DRAYBER

Published

on

Lezo – Sugat sa iba’t-ibang parte ng katawan ang tinamo ng isang driver matapos umanong mahulog sa kanal ang minamaneho niyang traysikel mag-aalas 11:00 kagabi sa Bugasungan, Lezo.

Kinilala ng Lezo PNP ang biktimang si Jerick Icamina, 37 anyos ng nasabing lugar.

Base sa imbestigasyon ng Lezo PNP, pauwi na galing Kalibo ang biktima nang makatulog umano habang nagmamaneho.

Resulta, aksidenteng nahulog sa kanal ang traysikel at makalawang beses umanong ‘tumambling’, rason na nagtamo ng sugat at pinsala sa katawan ang biktima na kaagad dinala sa ospital ng mga rumespondeng MDRRMO Lezo.

Pansamantala namang nasa kustodiya ni Kagawad Nelson Castaño ang traysikel na nagtamo din ng damages o pinsala sanhi ng nasabing insidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *