Connect with us

Aklan News

Mga sementeryo sa Madalag, sarado sa Undas

Published

on

SUMUNOD na ang Madalag sa pagpapasara ng mga pribado at pampublikong sementeryo sa Undas.

Kasunod ito ng mandato ng Inter-Agency Task Force na isarado ang mga libingan sa buong bansa sa darating na Undas season.

Batay sa Executive Order No. 029 ni Madalag Municipal Mayor Alfonso Gubatina, bukas ang mga libingan sa ibang araw maliban sa Oktubre 29 hanggang Nobyembre 4.

Inaanyayahan ng pamahalaan ang publiko na magtalaga ng ibang araw sa pagdalaw ng kanilang mga namayapang mahal sa buhay bago o pagkatapos ng Undas.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *