Connect with us

Aklan News

BINATA, NAILIGTAS SA TANGKANG PAGPAKAMATAY

Published

on

Mapalad na nailigtas at kaagad naisugod sa ospital ang isang binata sa tangka nitong pagbigti sa loob mismo ng kanilang bahay bandang alas 10:00 kanina sa Linabuan, Norte, Kalibo.

Sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, una siyang nakita ng kanyang dalawang menor de edad na pamangkin habang nakabigti gamit ang kawad ng kuryente.

Dahil dito, kaagad umano ang mga itong nagsumbong sa ina ng binata, rason na kaagad nitong pinuntahan ang anak at kinalas mula sa pagkakatali.

Kaagad namang sumaklolo ang ilan nilang kapit-bahay doon hanggang sa dumating ang MDRRMO.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *