Connect with us

Aklan News

MISTER NAGBIGTI, PATAY

Published

on

Patay na nang matagpuan sa loob ng sariling bahay ang isang 35 anyos na mister matapos umanong magbigti  kagabi sa Polo, New Washington.

Sa eklusibong panayam ng Radyo Todo sa kapatid ng biktima, hinatiran pa niya ng pagkain ang kanyang kuya sa kanyang bahay, subali’t hindi umano ito sumasagot sa kaniyang tawag.

Dahil dito, minarapat na lamang niyang hinawi ang kurtinang nakatakip sa mismong pintuan at doon nakita ang nakabigting biktima.

Kaagad umano nitong tinawag ang iba pang miyembro ng pamilya dahil sa natuklasan, hanggang sa dumating ang isa pa nilang kapatid na siya namang nagtanggal sa kanya mula sa pagkakabigti.

Samantala sinasabing kahapon ng umaga, napansin na nila ang biktimang nakainom ng alak gaya umano ng nakaugalian nito.

Lumalabas pa sa imbestigasyon na nakasalubong pa siya sa highway bandang alas 5:00 kahapon ng isa pa niyang kapatid na umiiyak at may marka umano ng nylon sa leeg.

Tinanong umano siya ng kapatid kung ano ang nangyari subali’t hindi ito sumasagot ng matino.

Nabatid na mag-isa lamang sa bahay ang biktima habang nasa Batan naman ang kanyang asawa at 1 anak dahil doon ang hanap-buhay nito.

Bagama’t naniniwala ang kanyang pamilya na walang foul play sa kanyang pagpapamakamatay, palaisipan pa rin umano para sa kanila kung bakit ito nagbigti.

Kasalukuyan pang nasa kanilang bahay ang labi ng mister habang hinihintay ang pag-uwi ng kanyang asawa.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *