Connect with us

Aklan News

LALAKI, PATAY MATAPOS TUMAMA ANG ULO SA BATO

Published

on

(Left to Right) Suspek na si Ighut (may benda sa ulo), habang nasa kabilang selda si John Dave Armenio

New Washington – Dead on arrival sa ospital ang isang lalaki matapos umanong tumama sa bato ang ulo sanhi ng komosyon alas 8:00 kagabi sa Fatima, New Washington.

Nakilala ang biktimang si Jonilo De Pedro, 27 anyos, habang arestado naman ang suspek na si Jhojel Ighut, 27 anyos, kapwa residente ng nasabing lugar.

Base sa imbestigasyon ng Radyo Todo, magkasamang nag-iinuman ang dalawa sa bahay ng bayaw ni Jonilo na si John Dave Armenio, nang magkasagutan umano ang mga ito.

Iginigiit kase umano ng suspek na nakatanggap ng pera ang biktima na ibinayad sa kanila sa kanilang trabaho sa ‘basnigan’ o fishing boat, bagay na mariin namang itinanggi ng biktima.

Subalit bigla na lamang umanong sinuntok ng suspek ang biktima sa dibdib kung kaya tumumba ito at tumama sa bato ang ulo.

Samantala, nakita umano ni John Dave ang nangyari, kung kaya’t hinampas niya rin ng upuan sa ulo ang suspek na si Ighut.

Kapwa sila dinala ng mga taga MDRRMO sa ospital subalit hindi na umabot ng buhay ang biktimang si De Pedro.

Pansamantala namang nasa kustodiya ng New Washington PNP si Ighut at nakatakdang sampahan ng kasong Homicide, habang sasampa din umano ng kasong Physical Injury si Ighut laban kay Armenio, dahil sa paghampas umano nito ng upuan sa kanya.

Kinumpirma naman ng New Washington PNP na labis ang kalasingan ni Ighut nang mangyari ang insidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *