Connect with us

Aklan News

LALAKI SINAKSAK NG KAINUMAN, SUSPEK SUMUKO

Published

on

Banga – Sugatan ang isang lalaki matapos saksakin ng mismong kainuman bandang alas 7:30 kagabi sa Linabuan, Sur, Banga.

Kinilala ng Banga PNP ang biktimang si Hermie Flores, 34 anyos , at ang suspek na si Benjie Remis, 35 anyos, pawang residente ng nasabing lugar.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Banga PNP, magkasama ring nag-inuman sa bahay ni Jessie Billiones ang dalawa nang bigla na lamang umanong sinaksak ng suspek ang biktima sa kaliwang dibdib.

Kaagad namang siyang dinala ng mga taga MDRRMO sa ospital, habang kusa naman umanong sumuko sa Banga PNP Station ang suspek.

Base naman sa imbestigasyon ng pulis sa suspek, sinabi umano nito na naghihiwa siya ng sibuyas nang magkaasaran sila ng biktima na nauwi sa kanyang pananaksak dito.

Patuloy pang iniimbistigahan ng Banga PNP ang insidente at inaalam ang magiging disposisyon ng biktima.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *