Connect with us

Aklan News

Granular lockdown inalis na sa buong C. Laserna St.

Published

on

TINANGGAL na ni Kalibo Mayor Emerson Lachica ang Granular Enhanced Community Quarantine (GECQ) sa buong C Laserna St., Kalibo.

Kasunod ito ng lumabas na negatibong resulta ng mga high risk contacts ng mga COVID-19 positive sa lugar.

Sa Executive Order No. 069 ni Lachica, tuluyan nang inalis ang GECQ sa Purok 1 hanggang 5 habang ibinaba sa Surgical Enhanced Community Quarantine (SECQ) ang Purok 6 interior mula ngayong September 28 hanggang October 4.

Inalis na rin ang SEQC sa Mabini area at Sto. Niño Village matapos na magnegatibo rin sa RT-PCR test ang mga high risk contacts sa lugar.

SA datos ng Provincial Health Office, nakapagtala na ang Aklan ng 107 kaso ng COVID-19, 63 sa kanila ang gumaling na at 7 naman ang naitalang namatay.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *