Connect with us

Aklan News

ALUMINUM VAN, AKSIDENTENG NAHULOG SA KANAL

Published

on

Kalibo – Aksidenteng nahulog sa kanal ang isang aluminum van alas 8:30 kagabi sa Caano, Kalibo.

Bagama’t wala namang malubhang nasugatan, nabatid na galing Poblacion, Kalibo papuntang New Washington ang van na minamaneho ni Mark Charnil Sioco, 28 anyos ng Ochando, New Washington nang mangyari ang insidente.

Base sa imbestigasyon ng Kalibo PNP Traffic Section, may kabilisan umano ang takbo ng van, rason na nag-swerve o umikot ito at nahulog sa kanal.

Kaagad naman rumesponde sa lugar ang mga taga MDRRMO , subalit mapalad namang walang malubhang nasugatan sa driver at apat nitong mga kasama.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *