Connect with us

Aklan News

TANOD NA LASING, HULI SA CURFEW

Published

on

Malay – Pansamantalang ikinustodiya sa PCP5 o Police Community Precinct 5 ng Malay PNP station ang isang lasing na barangay tanod matapos umanong mahuling lumabag sa curfew pasado ala 1:00 kaninang madaling araw sa Argao, Malay.

Nakilala ang tanod na si Mario Rodeo, 41 anyos, at kasalukuyang tanod sa Barangay Nabaoy.

Ayon sa Malay PNP, pabalik na noon ang kanilang patrol mula sa paghatid sa taga DSWD at menor de edad na suspek sa pananaksak sa Caticlan kagabi nang muntik pa umano silang mabangga ng motorsiklong minamaneho mismo ng tanod, sakay ang sinundong kasama.

Kasunod nito, pinara sila ng mga pulis at dinala sa presento at doon muna pinatulog para mahimasmasan sa kalasingan.

Ayon naman sa Malay PNP, ipagkakatiwala na nila sa kapitan ng Nabaoy ang disposisyon sa tanod, maliban sa kanyang pagcommunity service dahil sa paglabag sa curfew, habang titiketan naman nila ito dahil sa kanyang motorcyle violations.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *