Connect with us

Aklan News

LALAKI, NAHULIHAN NG PATALIM SA CHECK POINT

Published

on

Malinao – Arestado ang isang lalaki matapos umanong mahulihan ng patalim sa check point alas 8:30 kagabi sa Manhanip, Malinao.

Nakilala ang suspek na si Felix Albacino, 33 anyos, ng nasabing lugar.

Ayon sa Malinao PNP, nagsasagawa umano sila doon ng check point nang mapadaan ang motorsiklong sinasakyan ng suspek na minamaneho ng kanyang kapatid.

Pinara umano ang mga ito ng pulis, subalit doon din nakita ang nasabing patalim sa kanang tagiliran ng suspek, rason ng kanyang pagkakaaresto.

Pansamantala siyang ikinustodiya sa Malinao PNP habang inihahanda ang kasong paglabag sa BP 6 o Illegal Possession of Bladed Weapon na isasampa laban sa kanya, ebidensya ang kutsilyong nasa 12 pulgada ang haba na nerekober sa kanya.

Nabatid na papunta sana sa lamay ang magkapatid nang mapadaan sa nasabing check point.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *