Connect with us

Aklan News

BINATILYO, SINAKSAK NG 14 ANYOS NA KABARKADA

Published

on

Malay-Sugatan ang isang 17 anyos na binatilyo matapos saksakin ng 14 anyos na kabarkada mag-a alas 9:30 kagabi sa Sitio Tabon-Baybay, Caticlan, Malay.

Base sa imbestigasyon ng PCP4 (Police Community Precint 4) ng Malay PNP, napadaan kagabi ang suspek at isa pa nitong kasama sa labas ng bahay ng biktima, nang tawagin ang mga ito ng kainuman ng biktima na menor de edad rin.

Nagkasagutan umano ang mga ito hanggang sa sinuntok umano ng biktima ang kasama ng suspek.

Pagkakita ng suspek, bumunot naman umano ito ng patalim at sinaksak ang biktima sa kanang tagiliran at tumakas.

Kaagad namang dinala sa pagamutan ang biktima, habang isinuko naman umano ng mismong ama ang suspek sa mga rumespondeng pulis.

Nasa pangangalaga naman siya ngayon ng DSWD para sa karampatang disposisyon.

Samantala nabatid na hindi naman interesadong magreklamo ang biktima sa suspek dahil magkakabarkada naman ang mga ito.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *