Connect with us

Aklan News

SUMAMA SA TEXTMATE: Parent leader ng 4Ps beneficiary na umano’y dinukutan ng P54K umamin!

Published

on

Biglang NAGBAGO ang pahayag ng isang misis na parent leader ng 4Ps beneficiary na umano’y dinukot at tinangayan ng P54,000.00 na perang winidraw sa ATM.

Base kay Police Major Belshazzar Villanoche hepe ng Kalibo PNP, lumalabas na walang nangyaring panghohold-up sa misis na kinilalang si Emilyn Piano, 46 anyos ng Bachao Sur, Kalibo.

Pahayag ng hepe, walang lumitaw na anumang insidente ng pandurukot sa mga lugar na tinukoy ng misis base sa mga kuha ng CCTV.

Dagdag pa rito, inamin umano ni Piano na sumakay siya sa traysikel ng kanyang textmate na taga Libas, Banga.

Pinilit di umano siya ng kanyang textmate na pumunta sa kanilang bahay sa Libas pero nagdesisyon ito na bumaba nalang sa traysikel pagdating sa Banga at doon na nito kinuha ang kanyang bag na naglalaman ng cellphone, ATM at pera ng mga kagrupo nito.

Taliwas ito sa kanyang mga binitawang pahayag kahapon sa Kalibo PNP kaya’t masusing iniimbestigahan ng mga kapulisan ang insidente.

Samantala, ipinahayag ni Villanoche na maaaring magsampa ng reklamo laban sa misis ang kanyang mga kasamahan sa 4Ps sakaling mapatunayan na walang katotohanan o gawa-gawa lang ang kwento nito.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *