Connect with us

Aklan News

LALAKI NAGBIGTI, PATAY

Published

on

Banga-Patay na nang matagpuan alas 10:30 kaninang umaga ang isang lalaki sa Polocate, Banga matapos umano itong magbigti.

Ayon sa Banga PNP, tubong San Andres, Romblon ang biktima at nakikitira sa bahay ng kanyang pinsan sa naunang nabanggit na lugar.

Base sa imbestigasyon ng Banga PNP, nagkita pa umano ang biktima at ang kanyang nakakatandang kapatid bandang alas 6:30 kaninang umaga, subalit nagtaka na lamang umano ang kanyang pinsan nang mapansing tila wala ito doon sa kanilang lugar.

Nagulat na lamang din umano ang kanyang pinsan nang makitang nakabitay na sa loob ng kulungan ng manok sa gilid ng bahay ang biktima gamit ang plastic rope.

Base pa sa imbestigasyon, ilang araw na umanong ‘depress’ ang biktima kung saan nabanggit umano nito sa kanyang pinsan ang planong hanapin ang asawa at anak sa Maynila, kahit hiwalay na sila noon pang 2010.

Samantala, naniniwala naman ang kanyang pamilya na walang foul play sa pagkamatay ng biktima.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *