Connect with us

Aklan News

4P’S BENEFICIARIES SA ILALIM NG PARENT LEADER NA SI PIANO, PINULONG NG DSWD

Published

on

Pinulong nitong umaga ng DSWD ang mga 4P’s benificiaries na miyembro ng dinukot at ninakawan umanong parent leader na si Emelyn Piano.

Ayon kay Beverly Salazar ng DSWD-4P’s Program, pinulong nila ang mga nasabing beneficiaries upang matulungan ang mga ito sa kanilang hakbang para maibalik sa kanila ang kanilang pera.

Maliban dito, ipa-facilitate o padadaliin din umano nila ang pagblock sa Land Bank ng cash cards ng mga nasabing beneficiaries, pati na ang pagpalit ng mga bago nilang cards.

Ayon pa kay Salazar, magbibigay din umano sila ng mga food packs sa mga nasabing beneficiaries bilang tulong matapos ‘mawala’ ang kanilang mga allowances sa kamay ng kanilang parent leader.

Samantala sinabi pa ni Salazar na tatanggalin nila sa listahan si Piano dahil sa insidente, lalo pa’t nagreklamo ang kanyang mga miyembro nang hindi nila matanggap ang kanilang perang rice allowance na wini-draw ng nasabing parent leader nitong nakaraang Miyerkules sa pamamagitan ng ATM Card.

Nabatid mula mismo sa DSWD na may kabuuang 27 miyembro si Piano na naging 4P’s parent leader sa loob ng walong taon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *