Connect with us

Aklan News

Boy shoplifter sa isang mall sa Boracay, nahuli ng lady guard

Published

on

Hindi umubra sa isang lady guard ang isang kawatan sa isang mall sa Boracay na nagtangkang magpuslit ng mga gamit na nagkakahalaga ng Php1439.50 kahapon.

Sa report ng Boracay PNP, nakilala ang shoplifter na si James Michael Ricarte, 25 anyos, kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Balabag, Boracay Island.

Nahuli si Ricarte dakong alas-2:05 ng hapon sa City Mall partikular sa Ace Hardware kung saan papalabas na sana ng exit ang suspek nang i-check ng ladyguard na si Jane Gregorio de Jose ang kanyang sling bag.

Hinanapan nito ng resibo ang isang label and sticker remover at spray paint na nasa loob ng bag ngunit walang maipakita ang suspek kaya hinold ng guard.

Inamin naman ng suspek na kinuha nito ang mga items ng walang bayad, sa ngayon ay kasalukuyan na itong nakakulong sa Boracay PNP.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *