Connect with us

Aklan News

4P’s PARENT LEADER, DINUKOT AT KINUHA ANG P54K NA WINIDRAW SA ATM

Published

on

Dinukot umano at tinangayan pa ng P54,000.00 na perang winidraw sa ATM ang isang 4P’s Parent Leader kahapon ng umaga sa Poblacion, Kalibo.

Nakilala ang biktimang si Emilyn Piano, 46 anyos ng Bachaw Sur, Kalibo.

Base sa report ng Kalibo PNP, natuklasan ng pamilya ng biktima ang insidente matapos silang makatanggap ng text mula sa cellphone mismo ng biktima na nagsasabing “SA PARYENTE SINE TAG IYA CP LIHOG LANG YA NAMON DROP SA KALABAON SANG LIBAS BANGA WAA MAN NAMON SYA GINSAKIT KWARTA LNG ANG KINAHANGLAN NAMON” (Sa kamag-anak nitong may-ari ng cp, pakiusap, dito namin ibaba sa kahabaan ng Libas, Banga.Di namin siya sinaktan, pera lang ang kailangan namin).

Dahil dito, kaagad umanong inutusan ng mister ng biktima na si Rodel ang dalawang anak na samahan siya sa Banga PNP Station para ireport ang insidente, habang inutusan niya rin ang dalagang anak na si Charlene na magreport sa Kalibo PNP.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Rodel, nauna umano silang naghanap sa highway ng Libas kung saan doon umano niya nakitang naglalakad sa dilim ang umiiyak na asawa.

Kaagad din umano silang dinala ng mga pulis ng Banga PNP sa presento at doon inimbistigahan ang asawa, bago hinatid sa Kalibo PNP Station.

Samantala, nang maimbistigahan na ng Kalibo PNP ang biktima, doon na nabatid na isa pala siyang parent leader ng mga 4P’s Benificiary, at nagwithdraw sa ATM machine sa Magsaysay Park ng kanilang 4P’s allowance.

Sa panayam ng Radyo Todo sa biktima, sinabi nito na papunta na siya sa tindhan ng mga RTW’s ng kanyang kapatid sa bahagi ng N. Roldan St., matapos mai-withdraw ang laman ng 20 ATM Cards ng kanyang mga miyembro na may kabuuang P54,000.00.

Subalit hindi pa umano siya nakakarating doon nang may tumabi sa kanyang traysikel na minamaneho ng naka facemask na driver at inilalok siyang ihahatid.

Tumanggi umano noong una ang biktima, subalit pumayag din umano ito kinalaunan, hanggang sa dumating maya-maya ang isang van.

Ayon pa sa biktima, pinasakay umano siya doon ng driver ng traysikel, habang hinahawakan naman sa kamay ng dalawang taong naka facemask din sa loob ng van.

Piniringan umano ng mga suspek ang kanyang mga mata, pinatungan ng kahoy sa kanyang kandungan, at sinabihang sumunod lang sa gusto nila.

Kaagad umano silang umalis, subalit hindi na umano nito alam kung saan-saan siya ng mga ito dinala, bago pinakawalan kinagabihan sa Libas, Banga, dala ang perang winidraw, mga ATM Cards, at kanyang cellphone.

Kaugnay nito, patuloy pang iniimbestigahan ng Kalibo PNP sa insidente, habang maya’t-maya ang iyak ng biktima, lalo pa’t may mga pumunta nang kasama niya sa 4P’s upang kunin sa kanya ang kani-kanilang allowance.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *