Connect with us

Aklan News

UPDATE:MAG LIVE IN NA NAARESTO SA BUY BUST OPERATION, NAGPOSITIBO SA PAGGAMIT NG MARIJUANA

Published

on

Nagpositibo umano sa paggamit ng Marijuana ang mag-live in na naaresto sa buy bust operation sa Nabaoy, Malay nitong nakaraang Biyernes.

Kaugnay nito kinumpirma naman na hiwalay na kaso ang kakaharapin ng dalawa, partikular ang paglabag sa Section 15 ng RA 9165 (using) na isasampa sa kanila sa pamamagitan ng Regular Filing, maliban sa paglabag nilang dalawa sa RA 9165 Section 5 (selling); at Section 11 (possession) na solong kaso ng lalaki.

Nabatid na lumabas ang resulta ng kanilang drug test nitong Linggo, kung saan kapwa umano sila nagpositibo sa paggamit ng Marijuana, ngunit nag negatibo naman sa paggamit ng Shabu.

Samantala kinumpirma pa ng Malay PNP na ngayong araw dadalhin sa ARC o Aklan Rehabilitation Center ang mag-live in/suspek na sina Josie Jacosalem at Ma.Rodelyn Baltazar.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *