Connect with us

Aklan News

TOP 1 MOST WANTED PERSON SA NEW WASHINGTON PNP, NASAKOTE SA ANTIPOLO CITY

Published

on

New Washington -Arestado bandang alas 8:00 kagabi sa Sitio Gumamela, Sta. Cruz, Antipolo City ang tinaguriang Top 1 Most Wanted Person sa listahan ng New Washington PNP.

Nakilala ang akusadong si Virgilio Malano Ricamora Jr., at kasalukuyang residente ng naunang nabanggit na lugar.

Isinilbi ng Aklan Provincial Intelligence Team, kasama ang New Washington PNP at Antipolo City PNP kay Ricamora ang Warrant of Arrest sa kasong Statutory Rape sa ilalim ng Criminal Case No.14-022 na nilagdaan at ibinaba ni Judge Bienvenido P. Barrios Jr., Presiding Judge, 6th Judicial Region RTC Branch 3, Kalibo na may petsang October 30, 2018.

Pansamantala siyang ikinustodiya sa Antipolo City Police Station para sa karampatang disposisyon.

Walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *