Aklan News
Granular o Surgical lockdown, ipapatupad sa apat pang barangay sa Kalibo

Published
4 months agoon

Sinabi ngayon ni Kalibo Mayor Emerson Lachica na posibleng madagdagan pa ang mga areas na isasailalim sa granular o surgical lockdown sa Kalibo.
Kasunod ito ng 11 bagong kaso ng COVID-19 na naitala kahapon sa kabisera ng Aklan.
Ayon kay Lachica, kinabibilangan ng Old Buswang, New Buswang, Andagao at Estancia ang mga nasabing barangay na maaaring isailalim din sa 14-day lockdown kagaya ng ipinatupad sa C. Laserna St, Mabini at Sto. Niño Village.
Ngayong araw ipinatawag niya ang mga barangay kapitan ng mga nasabing barangay para mailatag na ang bagong Executive Order na ilalabas mamayang hapon.
Pumalo na ngayon sa 46 ang naitalang kaso ng COVID-19 sa Kalibo batay sa tala ng Municipal Health Office.
You may like
-
INMATE SA ARC TINAGA, PATAY
-
P221 MILYONG PONDO PARA SA COVID-19 RELATED PPA’s, INAPRUBAHAN NG SP AKLAN
-
SILAT PRINCESS TURNED BEAUTY QUEEN: CHERRY MAY REGALADO, KINORONAHAN BILANG MISS KALIBO ATI-ATIHAN 2021
-
42 ANYOS BINARIL NG AMA, PATAY
-
2 SUGATAN MATAPOS MAAKSIDENTE SA MOTORSIKLO NG NAKIPAGHABULAN SA MGA PULIS
-
‘Wag mag inarte kung may bakuna – SB member Augusto Tolentino