Connect with us

Aklan News

APAT, ARESTADO SA ILEGAL NA SUGAL

Published

on

Numancia – Apat ang arestado bandang alas 3:50 kaninang hapon dahil sa ilegal na sugal sa Bulwang, Numancia.

Kinilala ang mga naarestong sina Darwin Hapin, 47 anyos ng Bulwang, Numancia; Arglen Melgar, 53 anyos ng Old Buswang, Kalibo; Ronaldo Malapad, 51 anyos ng Bulwang, Numancia at Ron Renbulat, 45 anyos ng Bulwang, Numancia.

Ayon kay PLt. Renie Armenio, OIC ng Numancia PNP, ikinasa nila ang Anti-Illegal Gambling Operation, matapos makatanggap ng impormasyon mula sa BIN o Barangay Intelligence Network na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.

Narekober din ng mga pulis ang kabuuang P1,995.00, 1 set ng baraha, 1 lamesa, at mga upuan na ginamit umano ng mga suspek sa pagsusugal ng ‘Pusoy Bahig’.


Ayon pa kay Armenio, nasa 2 linggo rin umano nilang minonitor ang aktibidad ng mga suspek.

Pansamantala naman silang ikinustodiya sa piitan ng Numancia PNP habang inihahanda ang kasong paglabag sa PD 1602 o Anti-Ilegal Gambling Laws.
Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang mga suspek kaugnay ng kanilang pagkakaaresto.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *