Connect with us

Aklan News

MOTORISTANG BUMANGGA SA KAHOY, PATAY

Published

on

Tangalan – Patay na nang matagpuan bandang ala 1:30 kaninang madaling araw ang isang lalaking nagmomotorsiklo sa Lanipga, Tangalan matapos bumangga sa kahoy at mahulog sa sapa.

Kinilala ng Tangalan PNP ang biktimang si Elizer Panagsagan, 62 anyos, walang asawa, at residente ng Rigador, Ibajay.

Base sa imbestigasyon ng Tangalan PNP, umuwi galing sa lamay ng kapamilya ang biktima kahit hindi pinayagan ng ilang kasama, dahil lasing na ito at magmamaneho pa ng motorsiklo.

Subalit nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho ang biktima pagdating sa kurbadang kalsada, bumangga sa kahoy at nahulog deretso sa sapa doon.

Base pa sa imbestigasyon, mismong ang dating kagawad ng Lanipga na si Paulo Piano ang nakakita sa biktima at siya ring tumawag sa mga otoridad.

Sinasabing nagising na lamang ang kagawad nang marinig na tila may kung anong bumangga sa kahoy, rason na kaagad niya itong inilawan ng flashlight.

Subalit maulan umano noon, kung kaya’t pinatila na lamang nito ang ulan, at inilawang muli ang lugar, at doon unang nakita ang motorsiklo.

Doon na rin umano nito kinalaunan nakita ang biktimang nakasubsob sa sapa at ‘bloated’ o lumubo na ang tiyan.

Kaagad naman itong nagpasaklolo upang madala sa kalsada ang biktima na wala nang buhay.

Ayon pa sa Tangalan PNP, kumbinsido naman ang kapatid ng biktima na aksidente ang nangyari.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *