Connect with us

Aklan News

BINATANG DI PINAGBIGYAN NG SYOTA NA MAKASAMA SIYA SA PAGTULOG NAGBIGTI, PATAY

Published

on

New Washington -Bangkay na nang matagpuan mismo ng kanyang mga magulang alas 8:00 kaninang umaga ang isang 21 anyos na binatang nagpakamatay umano matapos tanggihan ng kanyang nobya na samahan siya sa pagtulog kagabi sa kanyang unit sa NHA Housing sa Jugas, New Washington.

Base sa imbestigasyon ng New Washington PNP, pumunta ang mga magulang ng biktima sa nasabing unit, subalit hindi umano ito sumasagot sa kanilang mga tawag.

Kinalaunan, minabuti umano ng kanyang ama na tanggalin ang apat na salamin ng jalousy ng bintana upang makapasok sa loob, at doon na umano nito nakita ang biktima na nakaupo sa loob ng ‘cr’, wala nang buhay at may electrical wire sa kanyang leeg.

Kasalukuyan namang inaasikaso ng kanyang mga magulang ang labi ng binata, habang kumbinsido rin umano ang mga ito sa pagpapakamatay ng biktima.

Nabatid na kagabi lamang ipinagdiwang ng biktima sa kanilang bahay ang kanyang kaarawan na dapat nitong nakaraan pa sanang September 18, 2020 kasama ang mga barkada.

Pasado alas 6:00 umano kagabi nang magpaalam ang biktima sa kanyang mga magulang na doon matutulog sa kanyang housing unit kasama ang nobya, subalit hindi umano pumayag ang babae.

Nabatid na narinig umano mismo ng ama ng biktima ang sinabi nito sa kanyang nobya na magpapakamatay ito oras na hindi sasama ang babae sa kanya sa kanyang unit sa housing project.

Nakatakda namang isailalim sa post mortem examination ang labi ng binata.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *