Connect with us

Aklan News

MOTOR SUMEMPLANG SA GINAGAWANG KALSADA, 2 SUGATAN

Published

on

New Washington -Dalawa ang sugatan matapos maaksidente ang kanilang sinasakyang motorsiklo kagabi sa ginagawang kalsada sa Tambak, New Washington.

Nakilala ang mga biktimang sina Marwin Solita, 21 anyos ng nasabing lugar, habang kinilala lamang niya ang kanyang kasamang si ‘Dong’ Nocario, sa legal na edad ng Sitio Naga, Poblacion, New Washington.

Nabatid na nagmomotorsiklo pauwi ang dalawa galing Kalibo, subalit sumagi sa isa sa mga sakong may buhangin sa ginagawang bahagi ng kalsada doon, rason ng kanilang pagkaaksidente.

Resulta, nagtamo ng sugat sa ulo si Dong, habang mga gasgas sa katawan naman si Marwin.

Kaagad silang dinala ng mga rumespondeng MDRRMO sa ospital kung saan sila ginagamot ngayon.

Sinasabing kapwa nasa impluwensiya ng alak ang dalawa nang mangyari ang insidente, maliban sa mabilis din umano ang pagpapatakbo ni ‘Dong’ ng motorsiklo.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *