Connect with us

Aklan News

26 NA ANG COVID19 ACTIVE CASES SA KALIBO – LACHICA

Published

on

Sumipa na sa 26 ang total COVID active cases sa bayan ng Kalibo ayon kay Mayor Emerson Lachica.

Ayon kay Lachica, 11 sa mga barangay sa Kalibo ang nakapagtala na ng kaso ng COVID-19.

Nangunguna ang Brgy. Estancia sa may pinakamaraming kaso na umabot na sa 6, sinundan naman ng Andagao at Old Buswang na may tig 4, New Buswang na may 3, Bakhaw Norte at Poblacion na may tig 2 at tig isa sa Bakhaw Sur, Linabuan Norte, Tinigao, Tigayon, at Pook.

Dahil dito, nais ng alkalde na pag-usapan ngayong araw ang mga hakbang na dapat gawin ng lokal na pamahalaan. Isa na rito ang posibilidad ng pagpapatupad ng granular o surgical lockdown sa mga lugar na may maraming kaso ng COVID.

Mayroon ng kabuuang 75 confirmed cases sa Aklan, 36 dito ang active, 35 ang recovered at 4 ang namatay.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *