Connect with us

Aklan News

Time out muna: 7 days ECQ hiling ng ilang medical frontliners sa Aklan

Published

on

NANANAWAGAN ng time-out ang ilang medical frontliners sa Aklan dahil kinakailangan pa umanong magpagaling ng kanilang mga kasamahan na nahawaan ng sakit para makabalik serbisyo.

Sa facebook post ni Doc Miche Rhys nakasaad ang caption na, “Kinahang-ean pa nga magpamayad it among mga kaibahan sa DRSTMH para mas abo kami nga gatatap kinyo, naila man kami mag-uli sa among mga baeay ag makaibahan do among pamilya kung matapos daya ngara. Malisod mahiwalay sa pamilya, sayod ko nga kamo man hay owa man naila nga matapnan inyong pamilya, magdahan gid kita..”

Katuwang nito ang isang photo ilustration na may nakasulat na #TIMEOUT, protect our frontliners at “I support 7 days ECQ for Aklan”.

Sa ngayon ay mayroon ng 504 shares ang naturang post.

Base sa datos ng Aklan PHO, mayroon ng 19 na mga medical staff sa Dr. Rafael S. Tumbokon Hospital ang tinamaan ng sakit na COVID-19.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *