Connect with us

Aklan News

MAG LIVE-IN, ARESTADO SA BUY BUST OPERATION

Published

on

Photo via TBK Reynald Bandiola

Malay – Arestado sa buy bust operation alas 5:40 kaninang umaga ang dalawang mag-live in partner sa Nabaoy, Malay.

Nakilala ang mga suspect na sina Josie Jacosalem, 49 anyos, tubong Western Samar, at kasalukuyang residente ng Manoc-manoc, Boracay, at Ma. Rodelyn Baltazar, 36 anyos na tubong Pusiw, Numancia, at kapwa caretaker sa isang property sa Nabaoy, Malay.

Narekober mula sa dalawa ang 1 sachet ng suspected marijuana at 1 sachet ng suspected shabu kapalit ng P1,500.00 na buy bust money.

Samantala, narekober pa mula sa belt bag ni Jacosalem ang mga drug items: 8 sachet ng suspected shabu, 2 sachet ng suspected marijuana, 1 wooden pipe o pipa, 5 rolled paper na naglalaman ng suspected marijuana, at 1 cellphone.

Narekober naman mula kay Baltazar ang kanyang sling bag, cellphone at barangay ID.

Kaagad silang inaresto at dinala sa crime lab sa Iloilo kasama ang mga narekober na ebidensya.

Kasong paglabag sa RA 9165 ang inihahandang kaso laban sa mga suspek.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *