Connect with us

Aklan News

Lachica, hinikayat ang publiko na huwag pumunta ng Kalibo

Published

on

HINIKAYAT ni Kalibo Mayor Emerson Lachica ang mga mamamayan na hindi sakop ng Kalibo na huwag nang pumunta sa capital town lalo na kung hindi importante ang lakad.a halip, makisuyo na lang umano sa mga opisyal ng kani-kanilang barangay.

Magkakaroon ng meeting ngayong hapon ang lokal na pamahalaan kung saan kasama ang mga hotel owners o quarantine facility owners, may-ari ng mga funeral parlors at taga PHO.

Pag-uusapan aniya kung maaaring makapaghanda ng tatlong quarantine facility sa bawat barangay sa Kalibo.

Plano rin umano ng lokal na pamahalaan na gumawa MOA sa mga hotels na nagsisilbing quarantine facility para sa mababang singil.

Muling paalala ng alkalde sa mga mamamayan sa loob at labas ng Kalibo na huwag balewalain at sundin ang mga health ptotocols at iwasan ang mga mass gatherings para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *