Connect with us

Aklan News

DALAWA, ARESTADO SA ILEGAL NA SABONG

Published

on

Nabas – Dalawa ang arestado dahil sa ilegal na sabong pasado alas 12:00 kaninang tanghali sa Buenasuerte, Nabas.

Kinilala ng Nabas PNP ang mga suspek na sina Rolly Estimado Jr., 26 anyos at Rossi Carlo Solanoy, 27 anyos, kapwa residente ng nasabing lugar.

Sa joint operation ng Nabas PNP at Provincial Special Task Force on Ilegal Gambling, naaresto ang dalawa at narekober ang isang coin purse na naglalaman umano ng kabuuang P1,250.00 na bet money o pusta, 2  manok-panabong, 1 rito ang buhay, at 1 ang patay, na may tig-iisang tari.

Pansamantala silang nakakustodiya sa Nabas PNP, habang inihahanda ang kasong paglabag sa PD 499 o Illegal Cockfighting Laws na isasampa laban sa kanila.

Samantala, sinasabing nakatakas ang iba pa nilang kasama nang magsidatingan ang mga pulis.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *