Connect with us

Aklan News

Mga pampubliko at pribadong sementaryo sa Makato, sarado sa Undas

Published

on

Sumunod na ang Makato sa pansamantalang pagsasarado ng mga pampubliko at pribadong sementeryo sa darating na undas.

Batay sa Executive Order 2020-036 ni Makato Mayor Abencio Torres, isasarado ang mga sementeryo mula October 31 hanggang November 2 para maiwasan ang mass gatherings ngayong panahon ng pandemya.

Kadalasan dumadagsa ang mga tao sa sementeryo tuwing Undas at malaki ang posibilidad na hindi makasunod sa guidelines ng health protocols.

Nagmungkahi ang LGU Makato sa publiko na magkunsidera ng iba pang alternatibong petsa para bumisita sa sementeryo upang gunitain ang kanilang mga namayapang mahal sa buhay.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *