Connect with us

Aklan News

BANGGA-AN NG 2 MOTOR, ISA PATAY

Published

on

Isa ang patay sa banggaan ng dalawang motorsiklo alas 7:20 kagabi sa National Highway ng Tigayon, Kalibo.

Nakilala ang biktimang binawian ng buhay na si Edwin Rogar, 60 anyos ng Sibalew, Banga, at ang nakabanggaan nito sa motor na si Frenz Robil Rufin, 29 anyos ng Bliss Site, Poblacion, Kalibo.

Base sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, nagmomotorsiklo si Rufin mula Banga papuntang Kalibo nang makabanggaan ang nagmomotorsiklo ring si Rogar na galing naman sa Kalibo patungong Banga.

Kapwa sumemplang sa kalsada ang dalawa, na kaagad dinala sa magkahiwalay na pagamutan, ngunit hindi na umabot ng buhay sa provincial hospital si Rogar.

Bagama’t walang CCTV sa lugar at wala rin umanong testigo, sinabi naman ng Kalibo PNP na posibleng nag overtake si Rogar base narin sa skid mark sa kalsada, dahilan upang makabanggaan nito si Rufin.

Samantala hindi naman umano nangangamoy alak ang mga biktima, posible umanong mula sa pistahan sa Banga kagabi si Rufin, dahil may mga dala itong mga lutong pagkain na tumilapon sa kalsada sanhi ng insidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *