Connect with us

Aklan News

2 MOTOR NAGSALPUKAN, ISA SUGATAN

Published

on

Kalibo – Isa ang sugatan sa banggaan ng 2 motorsiklo bandang alas 9:30 kagabi sa Pook, Kalibo.

Nakilala ang biktimang babae na si Jennalyn Iguban, 30 anyos ng Albasan, Numancia, at ang nakabanggaan nitong motorista na si Henry Magallanes, 54 anyos na tubong Sibalom, Antique.

Base sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, nagmomotorsiklo sa kahabaan ng Pook, Kalibo si Magallanes papuntang New Washington nang makabanggaan nito ang nagmomotorsiklo ring si Iguban.

Resulta, kapwa sila sumemplang sa kalsada at nagtamo ng mga sugat sa katawan.

Tumanggi nang magpagamot sa ospital si Magallanes, subalit confined naman sa pribadong ospital si Iguban.
Samantala, sinabi naman ng Kalibo PNP Traffic section na nakikipag-usap na si Magallanes sa kinatawan ng nakabanggaang si Iguban para sa isang settlement.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *