Connect with us

Aklan News

LALAKI, NATAGPUANG PATAY SA ABANDONADONG BODEGA

Published

on

Patay na nang matagpuan bandang alas 7:30 ngayong umaga ang isang lalaki sa isang abandonadong bodega sa Roxas Avenue Extension, Kalibo.

Nakilala sa inisyal na report ng Kalibo PNP ang lalaking si Yevan Iligan, sa legal na edad at tubong Camaligan, Batan, at sinasabing doon na lamang din sa bodega nakatira.

Bagama’t patuloy pa ang imbestigasyon ng Kalibo PNP, nabatid na natagpuan na lamang ng ilang bantay ng mga karitong ginagamit ng mga fish vendor sa Kalibo public market ang biktima na wala nang buhay.

Sinasabi ring matagal nang may sakit ang lalaki, subalit patuloy pa rin umano ito sa pag-inom ng alak.

Wala namang nakikitang foul play ang mga otoridad sa pagkamatay ng biktima, at pinakuha na rin ang kanyang labi sa isang punerarya.

With Katodo Jun Cabesilla

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *