Connect with us

Aklan News

BAHAY SA BAKHAW NORTE, NILOOBAN HABANG NAKA LOCKDOWN

Published

on

Isang bahay ang pinasok ng isang di pa nakikilalang lalaki sa Bakhaw Norte, bandang 11:30 kagabi, Septyembre 14, 2020.

Ayon sa salaysay ng isa sa mga nakatira sa bahay, tulog na sila ng mangyari ang insidente. Nagising siya nang mapansing bukas ang pinto ng kanilang kwarto gayong isinara naman umano niya ito bago matulog.

Doon na niya napansin ang suspect na nakakubli sa bandang paanan ng kanilang higaan kung saan natutulog din ang kaniyang magta-tatlong taong gulang na anak.

Dahil dito, hinabol niya ang di pa nakikilalang lalaki na nakatakas naman at dumaan sa pinto ng kusina.

Dito na tumambad ang mga naiwang yapak ng lalaki sa loob ng bahay ng biktima.

Salaysay pa ng biktima, sa bintana ng sala dumaan ang suspek at dumaan sa pinto ng kusina palabas nang hinabol niya ito.

Dito na rin nila natuklasan na nailabas na ng suspek ang benta ng sari-sari store ng mga biktima subalit naiwan din ito sa pagmamadaling makatakas.

Dagdag pa ng biktima, marahil umano ay nauna na nitong binuksan ang pinto sa kusina para dito dumaan palabas.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *