Connect with us

Aklan News

UPDATE:DRIVER NG TRAYSIKEL NA NAKABANGGAAN NG PULIS, HINDI NA KAKASUHAN

Published

on

Hindi na umano sasampahan ng kaso ang driver ng traysikel na nakabanggaan ng pulis kaninang umaga sa Cabangila, Altavas.

Ito ang kinumpirma ng Altavas PNP, kaugnay na rin umano sa desisyon ng pulis na si Patrolman Jerome Icamina, dahil aksidente naman umano ang nangyari.

Subalit ayon sa Altavas PNP, hiniling lamang umano ni Icamina sa traysikel driver na ipapaayos nito ang nasirang motorsiklo at tutulungan din siya sa gastusin medikal.

Ayon pa sa Altavas PNP, nakalabas na rin ng ospital si Icamina at nakauwi na sa kanilang bahay, bago dumaan bandang alas 2:00 kaninang hapon sa Altavas PNP kung saan pansamantalang ikinustodiya ang driver na si Gallaron na pinalaya naman mag-a-alas 2:30 kanina.

Matatandaang kapwa patungong Capiz ang dalawa, kung saan nakasunod ang motorsiklo sa traysikel, nang bigla na lamang umanong nag-U-turn ang traysikel nang mapansin na may pasaherong sasakay, rason na nabangga ito ng kasunod na motor.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *