Connect with us

Aklan News

MOTOR NA MINAMANEHO NG ISANG PULIS, SUMALPOK SA TRAYSIKEL

Published

on

Sumampa sa barandilya ang motorsiklong minamaneho ng isang pulis matapos aksidenteng bumangga sa traysikel bandang alas 7:00 ngayong umaga sa highway ng Cabangila, Altavas.

Nakilala ang pulis na si Pat. Jerome Icamina, 26 anyos ng Banaybanay, Malinao at na-assigned sa Sapian, Capiz border control, habang nakilala naman ang driver ng pampasaherong traysikel na si Alex Gallaron, 43 anyos ng Damayan, Sapian, Capiz.

Base sa imbestigasyon ng Altavas PNP, kapwa patungong Sapian, Capiz ang dalawa, kung saan nakasunod ang motorsiklo sa traysikel.

(Driver ng traysikel, habang kinakausap ng pulis)

Ngunit bigla na lamang umanong nag-u-turn ang traysikel nang mapansin na may pasaherong sasakay, dahilan upang mabangga ito ng motorsiklo.

Sa lakas ng pagkakabangga, sumampa sa barandilya ang motorsiklo at umikot pabalik sa lugar ang traysikel.

Nagtamo naman ng pinsala sa kanang braso ang pulis na kaagad dinala ng ambulansya sa isang pribadong ospital sa Capiz.

Pansamantala namang na-impound sa Altavas PNP Station ang motorsiklo at traysikel habang ikinustodiya sa Altavas PNP Station ang drayber ng traysikel para sa karampatang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *