Connect with us

Aklan News

UPDATE: Bangkay na natagpuan kaninang umaga, Hindi na isasailalim sa autopsy ayon sa pamilya

Published

on

Makato-Tumanggi na ang pamilya na isailalim pa sa autopsy examination ang katawan ng biktimang si Jay Jay Parto, 49 anyos ng Brgy Mantiguib, Makato na natagpuang patay kaninang umaga sa nasabing lugar.

Ayon kay PSSgt. Jover Zubiaga ng Makato PNP, sa kanilang inisyal na imbestigasyon mga dakong alas 8:00 kagabi, nakita pa ang biktima na nakikipag-inuman sa nasabing lugar kung saan kalauna’y lumipat ito sa kanyang mga kamag-anak na ‘di rin kalayuan sa lugar.

Sa kuha ng CCTV mula alas 12:00 hanggang 1:40 ng madaling araw ay nakitang bumalik ang biktima sa nasabing lugar na lasing at parang hindi mapakali kung saan pabalik-balik ito na ilang beses natumba sa lugar kung saan nakita ang kanyang patay na katawan.

Kinumpirma naman ng kanyang pamilya na meron umano itong iniindang sakit at pinagbabawalan ng uminom ng alak dahil meron itong gamot na iniinom.

Kumbinsido naman ang pamilya ng biktima na walang foul play sa pagkamatay ng biktima.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *