Connect with us

Aklan News

DELIVERY VEHICLE, BUMANGGA SA PADER MATAPOS MAWALAN NG KONTROL

Published

on

Nabas-Sugatan Ang isa sa mga sakay ng delivery vehicle matapos aksidenteng bumangga sa pader sa Brgy. Toledo sa bayan ng Nabas.

Ayon kay Poluce Corporal Andrew Andrade ng Nabas PNP, nangyari ang aksidente mga dakong alas 5:05 kaninang hapon.

Papunta umano sa Brgy. Libertad, Nabas ang nasabing sasakyan na minamaneho ni Michael Palomata, 35 anyos at residente ng Nagustan Nabas, sakay ang pahinante nitong nakilalang si Darwin Sajise ng Unidos, Nabas at Septon Sabay na residente naman ng Pob. Nabas at tatlo pang kasama para mag deliver ng tubig.

Aksidente umanong natanggal ang tie rod bar ng nasabing sasakyan rason na mawalan ng kontrol ang driver nito at aksidenteng bumangga sa kongkretong pader ng bahay ni Mrs. Elda Montero ng Toledo, Nabas.

Dahil sa aksidente nagtamo ng injury ang biktimang si Septon Sabay na kaagad namang isinugod sa Ibajay District Hospital ng mga taga MDRRMO Nabas.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *