Connect with us

Aklan News

‘Granular lockdown’, posibleng ipatupad sa ilang lugar sa Kalibo

Published

on

Photo Courtesy: Doniel B. Aguirre

POSIBLENG ipatupad ang granular lockdown sa ilang Sitio ng mga barangay sa Kalibo na nakapagtala ng COVID-19 cases ayon kay Liga ng mga Barangay President Ronald Marte.

Maaaring magpatupad din umano ng granular lockdown sa Sitio Libuton, Bakhaw Norte dahil dalawa sa 6 na lab personnel ng Aklan Provincial Hospital ang taga roon.

Gayundin sa Sitio ng New Buswang, kung saan nakatira ang dalawang COVID suspected cases na namatay sa oras na lumabas na positibo ang resulta ng kanilang swab test.

Nabatid na taga Old Buswang, Linabuan, Estancia at Poblacion naman ang ibang kasama sa 6 na staff na nagpositibo.

Ayon pa kay Marte, magkakaroon ng meeting ngayon ang LGU Kalibo para isapinal ang kanilang desisyon.

Mayroon na ngayong 46 na total cases sa probinsya, 35 ang nakarecover, 11 ang aktibong kaso at isa na ang namatay.

 

 

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *