Connect with us

Aklan News

LALAKI, TINAGA NG KAINUMAN

Published

on

Sugatan ang isang lalaki matapos umanong tagain ng kainuman alas 7:00 kagabi sa Pinonoy, Libacao.

Nakilala ang biktimang si Felix Natavio, 46 anyos, at ang kainumang suspek na si Julie Alegria, 46 anyos na pawang residente ng nasabing lugar.

Base sa ulat, magkasamang umuwi ang biktima at ang suspek matapos mag-inuman, ngunit nagka-asaran umano ang mga ito pagdating sa labas ng bahay ng biktima na nauwi naman sa pananaga ng salarin sa biktima.

Nagtamo ng sugat sa kaliwang kamay ang biktima na kaagad namang dinala sa ospital sa Kalibo.

Samantala ipinagkatiwala na ng Libacao PNP ang kaso sa barangay justice system ng Pinonoy.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *