Connect with us

Aklan News

DRSTMH, kinumpirmang 6 sa kanilang hospital staff ang nagpositibo sa COVID-19

Published

on

KINUMPIRMA na mismo ng Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital na mayroon silang 6 na hospital staff na nagpositibo sa COVID-19.

Ito ay kasunod ng naging pahayag kanina ni Dr. Cornelio Cuachon ng PHO na may natanggap silang impormasyon na nagpositibo sa nasabing sakit ang apat sa hospital staff ng ospital pero wala pa silang natatanggap na official result mula sa Molecular lab.

Nabatid na kapwa mga laboratory personnel ang anim na tinamaan ng sakit at walang travel history ang mga ito.

Unang naglabas ng pahayag kahapon ang PHO ukol sa isang 22 anyos na babae na laboratory staff ng nasabing ospital at walang travel history mula sa mga lugar kung saan laganap ang COVID.

Patuloy ang kanilang pagsasagawa ng assessment sa mga taong nakasalamuha ng mga pasyenteng nagpositibo sa sakit.

Posible na rin ani Cuachon na makunsidera itong local transmission.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *