Connect with us

Aklan News

WANTED SA KASONG ATTEMPTED HOMICIDE, ARESTADO

Published

on

Lezo – Arestado bandang alas 8:45 kaninang umaga sa Sta. Cruz, Biga-a, Lezo ang isang lalaking wanted sa kasong Attempted Homicide.

Nakilala ang akusadong si Antipolo Ropero, 37 anyos ng nasabing lugar.

Inaresto siya ng Lezo PNP sa bisa ng warrant of arrest na nilagdaan at ibinaba ni Hon. Presiding Judge Jo An Marie Vargas-Betita, 3rd Municipal Circuit Trial Court, Malinao, Aklan nito lamang nakaraang Huwebes, September 3, 2020.

Pansamantala siyang ikinustodiya sa Lezo PNP, subalit nakapagpiyansa ng P36,000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Samantala, nabatid na nangyari ang krimen noong nakaraang April 12, 2019 sa Bigaa, Lezo, kung saan nangangahoy umano noon si Ropero at ang  kasamang si Marvi Victoriano nang dumating umano ang suspek noon na si Welmar Zambrona na may dala umanong baril, at ang kanyang kuyang si Wendell Zambrona na may dalang patalim.

Nagtalo umano ang mga ito sa hindi natukoy na dahilan kung saan binaril umano ni Welmar si Ropero na tinamaan sa kilikili, subalit tinaga naman ng huli si Welmar sa likod.

Ayon naman sa Lezo PNP, lumabas ang warrant of arrest ni Ropero bilang ‘pang-counter’ naman ng suspek sa kanya.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *