Connect with us

Aklan News

2 RIDER NG MOTOR, PATAY SA AKSIDENTE

Published

on

Banga – Patay sa aksidente sa Highway ng Jumarap, Banga alas 7:30 kagabi ang dalawang rider ng motorsiklo.

Kinilala ng Banga PNP ang mga biktimang sina Mico Cuatriz, 21 anyos ng Palali, Banga, at John Billiones, 33 anyos ng Linabuan Sur, Banga.

Base sa imbestigasyon ng Banga PNP, galing sa Linabuan Sur, Banga papuntang Poblacion, Banga ang nagmomotorsiklong si Billiones nang aksidente umanong mahagip ng nagmomotorsiklo at sumusunod sa kanyang si Mico.

Resulta, kapwa sila sumemplang sa kalsada at nagtamo ng malubhang pinsala sa katawan, na kaagad ding dinala sa ospital, subali’t kapwa rin binawian ng buhay alas 10:50 kagabi habang ginagamot doon.

Kapwa rin silang kinuha sa ospital ng kani-kanilang pamilya pasado alas 11:00 kagabi, habang naka impound sa Banga PNP ang kani-kanilang motorsiklo.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *