Connect with us

Aklan News

TOP 3 MOST WANTED SA LISTAHAN NG KALIBO PNP, ARESTADO SA VALENZUELA CITY

Published

on

Kalibo — Nasa mga kamay na ngayon ng Kalibo PNP ang itinuturing na Top 3 Most Wanted Person sa listahan ng Kalibo PNP matapos maaresto nitong Miyerkules ng hapon sa Caimito St., Barangay Dalagdagan, Valenzuela City.

Sa joint operation ng Kalibo PNP at RIU 6 o Regional Intelligence Unit, inaresto ang hindi na pinangalanang akusado sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Qualified Theft, sa ilalim ng Criminal Case No.15184, na ibinaba ni Hon. Nelson A. Bartolome, RTC, Kalibo, Aklan, 6th Judicial Region nitong nakaraang December 11, 2019.

Pansamantala naman siyang makakalaya kapag makapagpiyansa siya ng P40,000.00.

Nabatid na nasa Top 10 Most Wanted Person naman sa listahan ng Aklan PPO ang nasabing akusado.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *