Connect with us

Aklan News

TRAK NA MAY KARGANG SEMENTO, INARARO ANG ISANG TINDAHAN

Published

on

Altavas – Wasak ang unahang bahagi ng isang truck matapos nitong ‘araruhin’ ang isang tindahan bandang alas 2:00 kaninang madaling araw sa highway ng Cabugao, Altavas.

Nakilala ang driver ng truck na si Jessie Palma, 37 anyos ng Aglalana, Passi City, habang nakilala naman ang may-ari ng tindahan na si Johnny Delos Santos ng Dalipdip,Altavas.

Base sa report ng Altavas PNP, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho ang driver nang mag- ‘malfunction’ ang steering wheel ng nasabing truck.

Resulta, bumangga ito sa tindahan ni Delos Santos sanhi ng pagkawasak nito, at nagdulot din ng pinsala sa malaking punong kahoy doon.

Mapalad namang walang nasaktan sa insidente.

Samantala, nagkaareglo naman ang magkabilang panig sa tanggapan ng Cabugao Barangay Hall ngayong hapon.

Nabatid na galing sa Iloilo ang truck at papunta sana ng Ibajay nang mangyari ang insidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *